31% ng mga Filipino sinabing nalugmok pa sa buhay – SWS

By Jan Escosio September 14, 2022 - 07:21 PM

Tatlumput isang porsiyento ng mga Filipino ang nagsabi na lumala pa ang kanilang sitwasyon sa nakalipas na isang taon, base sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa naturang survey na isinagawa noong Hunyo 26 hanggang 29, 29 porsiyento ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay, samantalang 39 porsiyento ang sumagot na walang naging pagbabago sa kanila.

May 1,500 na sumagot sa naturang survey, ang huli sa administrasyong-Duterte.

Nabatid na ang tanong sa survey ay; “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati, o mas masama kaysa noon?”

Sa mga termino ng SWS, ang mga nagsabing sumama pa ang kanilang kondisyon ay ang ‘losers,’ ‘gainers’ naman ang tawag sa mga nagsabing bumuti ang kanilang buhay at ‘unchanged’ sa mga sumagot na walang nagbago sa kanila.

TAGS: poor, survey, SWS, poor, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.