Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni NCC Executive Director Assistant Secretary Azucena Dayanghiran na ito ay para malabanan ang malnutrisyon sa bansa.
Ayon kay Dayanghirang, hindi lamang sa mga batang nasa mga eskwelahan ang mithiin nilang mabigyan ng libreng nutribun kundi maging ang mga batang zero hanggang 5 years old at mga buntis.
Ang nutribun, ayon kay Dayanghirang, ay isang tinapay na unang inilabas nong 1970 bilang parte ng feeding program ng gobyerno, na ngayon ay ginawa na itong fortified o enhanced nutribun o mas masustansiyang bersyon ng orihinal na nutribun, mas maraming taglay na enerhiya, protina at bitamina na matitikman sa ibat ibang lasa o flavor tulad ng kalabasa, malunggay, kamote, ube at carrot.
Maraming nutrisyon aniya ang makukuha rito tulad ng micro nutrients o Vitamin A, Potassium, Calories, at Protina na ang katumbas ay halos dalawang tasang kanin na.
Sa ilalim ng nutribun feeding program, imo-monitor at titimbangin ang bata sa loob ng 120 araw para makita kung nag-improve ang kalusugan nito.