VP Sara nagpasalamat sa Kongreso sa mabilis na pag-apruba sa P2.3-B pondo ng OVP

Nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa House Appropriations Committee sa mabilis na pag-apruba ng P2.3 bilyong pondo para sa Office of the Vice President (OVP) sa taong 2023.

“Thank you for your continued support on the programs, activities, and projects of the Office of the Vice President,” pahayag ni Duterte.

Personal na iprinisinta ng bise presidente ang panukalang pondo ng OVP.

Iprinisinta rin nito ang panukalang pondo para sa Department of Education.

Makaraan lamang ang limang minuto, natapos na agad ang budget briefing.

Ayon kay Committee on Appropriations chair at Ako Bicol Representative Elizaldy Co ukol sa OVP, “very active within the short period regarding satellite offices which were established all over the country which enable the government to expand the range of its social services.”

“I speak for my colleagues when I say that this committee has full confidence in the Vice President’s performance of her duties,” dagdag nito.

Inalok din ni Duterte sa mga miyembro ng Kamara ang mga serbisyo ng OVP.

“If there’s anything that we can do to help you as an office in your respective mandates, in your respective legislative districts and partylists, please let us know. We are open to collaboration in helping our fellow Filipinos,” saad nito.

Karamihan sa pondo ng OVP ay ilalaan sa financial subsidies at assistance para sa mga Filipino.

Read more...