Ulat na gumagamit si VP Sara ng Presidential chopper pauwi sa Davao, pinasinungalingan ng OVP

OVP photo

Fake news!

Tugon ito ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa puna ng ilang kritiko na ginagamit nito ang Presidential chopper para ihatid pauwi sa Davao.

Ayon kay Attorney Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, naka-base na sa Maynila ang bise presidente.

“Fake news po yang araw-araw na gumagamit ng chopper para ihatid sa Davao kagaya ng inilalabas sa media. Manila based na po sa ngayon si VP Sara Duterte at ang family niya. Dito na din po nag-aaral ang mga anak niya,” pahayag ni Munsayac.

Land vehicles lamang aniya ang ginagamit ni Duterte sa pang araw-araw na pagpasok sa trabaho.

“Ginagamit lang po ang chopper kapag kailangan sa official work and functions, based sa lugar na pupuntahan at urgency of schedule. Sa history po ng public service ni VP Sara, alam ng lahat ng mga nakasama niya sa trabaho na she is very efficient and she protects government resources at all times,” pahayag ni Munsayac.

Matatandaang nag-post sa Facebook si Duterte ng birthday greeting para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung saan background niya ang Presidential chopper.

Read more...