Pag-aangkat ng hindi lalagpas sa 150,000 MT ng asukal, aprubado na

By Chona Yu September 14, 2022 - 02:44 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pag-aangkat ng hindi lalagpas sa 150,000 metrikong toneladang asukal.

Base sa Sugar Order Number 2 na naka-post sa website ng Sugar Regulatory Administration, kalahati sa mga aangkating asukal ang ilalaan sa mga consumer o sa merkado habang ang kalahati ay ilalaan sa industrial users o mga malalaking kampanya na gumagamit ng asukal.

Inaprubahan ng Pangulo ang importasyon para matugunan ang kakulangan ng suplay sa merkado at maibaba ang presyo.

Nilagdaan ng Pangulo ang order noong Setyembre 14.

Sisimulan ng SRA ang pag-proseso sa aplikasyon ng importasyon tatlong araw matapos maging epektibo ang order ng Pangulo.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang pag aangkat ng asukal matapos aprubahan ng SRA ang pagbili ng 300,000 metrikong tonelada nang hindi inaprubahan ni Pangulong Marcos.

TAGS: asukal, BBM admin, importation, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, sugar, asukal, BBM admin, importation, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, sugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.