Mayor Belmonte, bumuo ng isang task force para tutukan ang electrical fire safety sa QC

By Chona Yu September 14, 2022 - 02:42 PM

Quezon City government photo

Bumuo na ng isang Task Force si Quezon City Mayor Joy Belmonte na tututok sa electrical fire safety sa lungsod.

Ito ay para maiwasan ang sunog sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, mahalaga na bumalangkas ng Fire Safety Code.

Kasama sa Task Force on Fire Prevention and Preparedness ang iba’t ibang departamento ng lungsod at utility companies gaya ng Meralco at water concessionaires na Manila Water at Maynila.

“Dahil sa sunud-sunod na mga insidente ng sunog sa ating lungsod, lumikha tayo ng task force upang pag-aralan ang mga hakbang na pwedeng gawin para maiwasan itong maulit,” pahayag ni Belmonte.

Hinikayat din ni Belmonte ang publiko na mag ingat at makiisa sa mga fire prevention programs.

“Maiiwasan natin ang sunog sa ating komunidad kung tayo mismo ay gagawa ng paraan upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at tahanan,” pahayag ni Belmonte.

TAGS: InquirerNews, joy belmonte, RadyoInquirerNews, InquirerNews, joy belmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.