PNP may 10,000 mga bagong pulis

By Den Macaranas June 04, 2016 - 03:26 PM

PNP recruits
Inquirer file photo

Aabot sa 10,000 mga bagong pulis ang maidaragdag sa bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa susunod na buwan.

Sinabi ni Interior Sec. Mel Senen Sarmiento na bahagi ng regular recruitment Program ang pagkuha nila ng mga bagong kasapi ng pambansang pulisya.

Ipinaliwanag din ng kalihim na hindi lamang sa training dumaan kundi sa iba’t ibang uri ng mga examination ang mga bagong recruits.

Kabilang dito ang drug test, face to face interview, psychological at psychiatric examination, complete background investigation, at iba pang uri ng pagtatanong.

Papalitan ng mga bagong pulis ang mga nagretiro na ganun din ang mga sinibak dahil sa iba’t ibang mga kaso.

Sa buwan ng Nobyembre ay muling magkakaroon ng hiring para sa mga dagdag na kasapi ng PNP ayon kay Sarmiento na siya ring pinuno ng National Police Commission.

TAGS: Napolcom, PNP, sarmeinto, Napolcom, PNP, sarmeinto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.