Abalos sa LGUs: Huwag bumili ng ‘luxury vehicles!’
Pinagbilinan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga lokal na pamahalaan na iwasan ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan, na maikukunsidera ng luho.
Katuwiran ni Abalos na hindi pa lubos na nakakabangon ang mga lokal na ekonomiya kayat dapat ay maging masinop sa paggasta ng pondo ng bayan.
Dapat din aniya ang pagbili ay ayon sa ‘budgetary, procurement and auditing standards.
Sabi pa ng kalihim sa pagpili at pagbili ng sasakyan ay dapat ikunsidera kung saan makakatipid sa gasolina o krudo, environment-friendly at ayon sa makabagong teknolohiya.
“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng Covid-19. Dapat po tayong maging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” paliwanag ni Abalos.
Sa inilabas na DILG Memorandum Circular 2022 – 105, nakasaad na ang mga limitasyon sa bibilhin na sasakyan ng mga lokal na pamahalaan.
Dapat din aniya na maglaan ng pondo para sa pagbili ng mga sasakyan na gumagamit ng alternative fuels tulad ng bio-fuels, flexi-fuel, natural gas at solar powered vehicles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.