PBBM Jr., magkakasa ng ibang diskarte kontra droga

Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr., na magpapatuloy ang kampaniya laban sa lahat ng uri ng droga sa bansa.

Ginawa ito ni Pangulong Marcos Jr., kasunod ng mga puna na hindi niya natalakay sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang pakikipaglaban sa droga.

Katuwiran nito na may sarili siyang pamamaraan at magkakaroon ng bagong istilo sa kampaniya.

Isa na ang pagpapaigting ng pagtuturo sa mga kabataan sa mga masasamang epekto ng anumang uri ng droga.

Nabanggit nito na sa panig naman ng mga awtoridad, bumabalangkas na ng polisiya para sa bagong pakikipaglaban sa droga.

Itataas din aniya ng kanyang administrasyon ang antas ng pagresolba sa mga kaso maging ang rehabilitasyon ng mga ‘drug user’ para sila ay makapagsimula muli ng maayos na pamumuhay.

Read more...