Gusto ni Pangulong Marcos Jr. na mabuksan muli ang isyu ng sinasabing ‘ill gotten wealth’ ng kanyang pamilya.
Katuwiran ng Punong Ehekutibo nais niya na mabigyan na maging detalydo ang sinasabing bayarin ng kanilang pamilya sa gobyerno.
Dagdag pa nito, magkakaroon din ng pagkakataon ang kanilang pamilya na sagutin punto por punto ang mga alegasyon na may mga ingat na yaman sila sa paninilbihan ng kanyang yumaong ama.
Diin ni Pangulong Marcos Jr., hindi sila nabigyan ng pagkakataon na depensahan ang lahat ng mga ibinibintang sa kanila dahil napatapon sila sa Hawaii kasunod ng 1986 EDSA People Power.
Magugunita na may utos na ang Korte Suprema sa pamilya Marcos na bayaran ang utang na P23 billion real estate tax.
Lumubo naman na sa P203 bilyon ang utang dahil sa mga multa.