China rocket babagsak sa Pilipinas babala ng PhilSA

By Jan Escosio September 14, 2022 - 10:44 AM

Naglabas ang babala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na babagsak sa teritoryo ng Pilipinas ang debris ng rocket na inilunsad ng China.

Inaasahan na ang debris mula sa Long March (CZ-7A) rocket ay babagsak 71 kilometro mula sa Burgos, Ilocos Norte at 52 kilometro mula sa Sta. Ana, Cagayan.

Inilunsad ng 9:19 kagabi ang rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, China.

Sa abiso ng PhilSA, nakipag-ugnayan na sila sa Civil Aviation Authority of the Phils. (CAAP) at naberipika naman ang pagbabagsakan ng mga debris base sa Notice to Airmen na inilabas ng Civil Aviation Administration ng China.

Pagtitiyak ng ahensiya na hindi babagsak sa lupa ang mga debris bagamat banta ito sa mga sasakyang pandagat at eroplano na dadaan sa natukoy na ‘drop zones.’

Pinag-iingat din ng PhilSA ang pagpulot sa mga rocket debris.

TAGS: Cagayan, China, debris, ilocos norte, rocket, Cagayan, China, debris, ilocos norte, rocket

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.