Muhammad Ali, pumanaw na sa edad na 74
Sumakabilang buhay na ang three-time heavyweight champion na si Muhammad Ali.
Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na si Bob Gunnell, biyernes ng gabi (US Time) ng bawian ng buhay ang beteranong boksingero sa edad na 74.
Ang burol ay gagawin sa hometown ni Ali sa Louisville, Kentucky.
Nauna nang dinala sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang opistal sa Phoenix Arizona matapos mahirapang huminga ang boksingero dahil sa pneumonia.
Taong 1994 nang unang ma-diagnosed si Ali ng pagkakaroon ng Parkinso’s disease at mula noon ay naging mahina na ang kanyang pangangatawan.
Noong nakalipas na buwan ng Disyembre 2004 hanggang Enero 2015 ay nanatili siya sa ospital dahil sa severe urinary tract infection at pneumonia.
Kahapon, araw ng Biyernes ay nagtipon-tipon na sa ospital ang mga kaanak ni Ali ayon sa inilabas na pahayag ni Gunnel.
Kamakailan ay muling naging aktibo sa media si Ali makaraan niyang batikusin si Presidential nominee Donald Trump makaraan niyang sabihin na ipagbabawal niya ang pag-pasok ng mga Muslim sa U.S kapag siya ang nanalo sa eleksyon.
Sumikat si Ali sa kanyang mga laban kay Joe Frazier at George Foreman noong 1970.
Nakilala siya sa mga katagang “I am the Greatest!” at noong 1975 ay idinaos sa Pilipinas ang makasaysayang “Thrilla in Manila” na ikatlong pagharap niya kay Joe Frazier para angkinin ang ikatlong world heavyweight title.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.