Muling makakapag-trabaho sa Saudi Arabia ang mga Filipino simula sa darating na Nobyembre kasunod nang gagawing pagbawi sa umiiral pa na ‘deployment ban.’
Ito ang pahayag ng Deparment of Migrant Workers (DMW) at ang muling deployment ay maaring magsimula na sa unang linggo ng nabanggit na buwan.
Kasunod ito nang makikipag-usap ng DMW sa mga opisyal ng Saudi Arabia.
“We are grateful to Minister Al-Rajhi and the government of Saudi Arabia for sharing our concern for the rights of our workers. Likewise, we intend to move forward by working together on implementing mechanisms that would ensure the protection of our workers’ rights and welfare,” ani Sec. Susan Ople.
Sa pulong, pagbabahagi ni Ople, napagkasunduan ang pagbibigay ng ibayong proteksyon sa mga Filipino.
“There was a trailblazing convergence of concrete ideas and measures on how best to protect our OFWs while at the same time, deeping the ties between the two countries,” dagdag pa nito.
Magugunita na Oktubre ng nakaraang taon nang ipatupad ni dating Labor Sec. Silvestre Bello III ang deployment ban bunsod ng P4.5 bilyong pagkakautang ng Saudi employers sa halos 10,000 OFWs.