P9B halaga ng COVID 19 vaccines nasayang – DOH

By Jan Escosio September 14, 2022 - 10:18 AM

Umaabot na sa 20 milyong COVID 19 vaccines ang nasayang at ito ay nagkakahalaga ng higit P9 bilyon.

Ito ang ibinahagi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa House Committee on Appropriations sa pagdinig ng 2023 budget ng kagawaran.

Nilinaw naman ni Vergeire na walang nasayang na bakuna na binili ng pambansang gobyerno at aniya 40 porsiyento ng nag-expire ay binili ng pribadong sektor.

Dagdag pa nito, 6.24 porsiyento ng mga bakuna ay mula sa donasyon, samantalang ang 22.35 porsiyento ay sa mga lokal na pamahalaan.

Ibinahagi din ni Vergeire sa komite ang pangako ng COVAX facility ng World Health Organization (WHO) na papalitan ang mga nag-expire na bakuna.

Kahit aniya kalahati lang ng bilang ang hiniling nila na mapalitan.

TAGS: doh, expire, vaccines, doh, expire, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.