Malaysian citizen, Filipino dakma sa modus sa ‘dating app’

By Jan Escosio September 14, 2022 - 10:07 AM

Naaresto ng mga pulis sa NAIA Terminal 1 ang isang Malaysian national at isang Filipino dahil sa ilegal na pagkulong sa isang babaeng Malaysian citizen.

Kinilala ang dalawa na sina Justine Alcareaz, 28 at Chan Yong Howe, isang Malaysian citizen.

Sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos nakilala ng 35-anyos na biktimang si Voon Pei Lim ang kanyang boyfriend sa pamamagitan ng ‘dating app’ at pagdating niya sa Pilipinas noong Setyembre 9 ay sinundo siya ng isang Chinese national at dinala sa Cavite.

Pinagpasa-pasahan si Lim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ayon pa kay Abalos.

Nagpasaklolo na ang biktima sa kanyang among Australian, na agad naman nagsumbong sa PNP- Anti-Kidnapping Group.

Ayon sa biktima kailangan niyang magbayad ng P300,000 para siya ay makalaya at makabalik na ng Malaysia.

Diin naman ni Abalos ang pagkakaaresto sa mga suspek ay patunay lamang na kumikilos ang pambansang-pulisya para bigyan proteksyon ang mga banyaga at Filipino laban sa mga sindikato.

TAGS: dating, Illegal detention, modus, NAIA, dating, Illegal detention, modus, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.