Sa inihain niyang Senate Bill 1027, gusto ni Estrada na maamyendahan ang buwanang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga nagta-trabaho sa gobyerno at gawin itong Augmented Personnel Economic Relief Allowance (APERA).
Sa kanyang panukala, sinabi ni Estrada na dapat ay gawing P4,000 ang buwanang subsidiya.
Sakop ng kanyang panukala ang lahat ng mga kawani ng gobyerno kahit ano pa ang kanilang employment status, regular, casual, contractual, appointed o elected.
Hindi lang masasakop nito ang mga kawani na nakatalaga sa ibang bansa dahil sila naman ay tumatanggap ng overseas allowance.