Sen. Jinggoy Estrada: PERA ng gov’t employees dapat doblehin

By Jan Escosio September 14, 2022 - 09:32 AM

Dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin at serbisyo, gusto ni Senator Jinggoy Estrada na madoble ang halaga ng natatanggap na subsidiya ng mga kawani ng gobyerno.

Sa inihain niyang Senate Bill 1027, gusto ni Estrada na maamyendahan ang buwanang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga nagta-trabaho sa gobyerno at gawin itong Augmented Personnel Economic Relief Allowance (APERA).

Sa kanyang panukala, sinabi ni Estrada na dapat ay gawing P4,000 ang buwanang subsidiya.

Sakop ng kanyang panukala ang lahat ng mga kawani ng gobyerno kahit ano pa ang kanilang employment status, regular, casual, contractual, appointed o elected.

Hindi lang masasakop nito ang mga kawani na nakatalaga sa ibang bansa dahil sila naman ay tumatanggap ng overseas allowance.

TAGS: allowance, employees, government, allowance, employees, government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.