35 gramo ng kush galing US timbog sa BOC – Clark

By Jan Escosio September 14, 2022 - 08:43 AM

Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang 36 gramo ng kush na isinilid sa walong maliliit na lalagyan kahapon.

Nabatid na naaresto din sa Malabon City ang pinagdalhan ng P52,000 halaga ng droga, na nagmula sa Pennsylvania, US.

Idineklarang goodies ang kush ngunit nang sumailalim ito sa x-ray ay nagpakita ng mga kahina-hinalang imahe kayat gumamit na ng drug-sniffing dog na nagbigay ng senyales.

Sa pamamagitan ng physical examination, nadiskubre ang mga droga na nakasilid sa walong cannisters.

Napatunayan sa chemical laboratory analysis na ang ‘goodies’ ay kush.

 

TAGS: BOC, Kush, BOC, Kush

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]