Internet access na pang-masa inilunsad ng Globe

By Jan Escosio September 14, 2022 - 08:38 AM

Sa hangarin na magkaroon ng access ang lahat ng mga Filipino sa internet, inilunsad ng Globe ang TMBayan Fiber Wifi.

Sa pamamagitan ng bagong broadband category, magiging abot kaya na ang pagkakaroon ng koneksyon sa fiber internet.

Bukod dito, maari din itong pagkakitaan sa mga sari-sari store, na magsisilbi naman ‘connectivity hut.’

Nabatid na sa halagang P20 magkakaroon na ng reliable internet access ng 12 oras.

Pagsuporta na rin ito, ayon kay Janis Legaspi-Racpan, head ng Globe At Home Brand Management, sa nais ng gobyerno na palaganapin ang internet access sa bansa.

“Para matugunan ang tinatawag na digital divide sa bansa, ginagawan ng Globe ng paraan na ma-access ng lahat ang mabilis na fiber internet. Idinisenyo ang TMBayan Fiber Wifi para maging pinaka-accessible na Fiber plan sa merkado ngayon,” sabi pa ni Legaspi-Racapan.

Dagdag pa niya, maaring maging wifi hotspots ang mga tindahan, community center at town plaza, bukod pa sa mga lugar ng pagtitipon ng mga tao.

TAGS: Internet, wifi, Internet, wifi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.