Aabot sa 350 na persons deprived of liberty ang nakalaya na mula sa National Bilibid Prison at iba pang kulungan sa bansa.
Ayon sa Bureau of Corrections, 191 ang nakalaya mula sa Bilibid habang 143 naman ang nakalaya mula sa Operating Prison and Penal Farms, at 37 mula sa Correctional Institute for Women.
Sa kabuuang bilang ng mga nakalaya, 240 ang nakapagsilbi ng kanilang maximum prison sentence, 31 ang acquitted at 98 ang nakalaya dahil sa parole habang dalawa ang probration.
Nasa 45 na senior citizens din ang nakalaya.
Umaasa naman si Justice Secretary Crispin Remulla na mas marami pang PDLs ang makalalaya sa mga susunod na araw.
MOST READ
LATEST STORIES