Mabuting kalusugan, hangad ng Palasyo sa ika-65 na kaarawan ni Pangulong Marcos

By Chona Yu September 13, 2022 - 09:20 AM

Mabuting kalusugan.

Ito ang hangad ni Press Secretary Trixie  Angeles kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ngayon ay nagdiriwang ng ika-65 kaarawan.

Ayon kay Angeles, hangad ng Palasyo na manatiling malakas ang Pangulo para magampanan ang tungkulin nito bilang pinuno ng bansa.

Kaisa aniya ang Palasyo sa layunin ng Pangulo na mabigyan ng magandang pamumuhay ang bawat Filipino at mailagay sa maayos na sitwasyon ang bansa.

Tiniyak pa ni Angeles na patuloy niyang susuportaan ang Pangulo at ang kanyang administrasyon sa susunod na anim na taon.

 

TAGS: Birthday, bongbong marcos, kaarawan, trixie angeles, Birthday, bongbong marcos, kaarawan, trixie angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.