State of calamity dahil sa COVID-19, pinalawig ni Pangulong Marcos

By Chona Yu September 13, 2022 - 08:11 AM

DOH photo

Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang state of calamity sa bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Base sa Proclamation Number 57, iiral ang state of calamity hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Pinalawig ng Pangulo ang state of calamity base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nakasaad sa proklamasyon, kailangang palawigin pa ang state of calamity para patuloy na maibigay ng pamahalaan ang COVID-19 related interventions gaya ng vaccination program, paggamit ng pondo gaya halimbawa ng quick response fund, pag-monitor at pag-kontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pa.

Una nang pinalawig ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity mula Setyembre 10, 2021 hanggang Setyembre 12, 2022.

 

TAGS: COVID-19, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, State of Calamity, COVID-19, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.