Higit 15,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan September 12, 2022 - 05:54 PM

Nakapagtala ng 15,379 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Setyembre 12, 2022, base ito sa naitalang datos simula Setyembre 5 hanggang 11, 2022.

Mas mababa ito ng 10 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Nasa 2,197 naman ang daily average cases.

Samantala, may 12 na bagong severe and critical cases habang 300 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 28.2 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,925 sa 21,020 non-ICU beds ang gamit.

23.9 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 594 sa 2,485 ICU beds ang gamit.

Nasa 727 naman ang severe and critical admissions, o 9.6 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: covid monitoring, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews, covid monitoring, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.