Bawas-singil sa oil products, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan September 12, 2022 - 01:06 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Setyembre 13.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, PetroGazz, Seaoil, Shell, at Unioil, may kaltas na P0.45 sa kada litro ng gasolina habang P1.45 naman ang bawas sa bawat litro ng diesel.

Mababawasan naman ng P1.70 ang kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauuna pa ring ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex at Cleanfuel bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]