Libreng pabahay, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

By Jan Escosio September 12, 2022 - 11:38 AM

Senate PRIB Photo

Nais ni Senator Lito Lapid na magkaroon ng libreng bahay ang mga Filipino na walang tirahan.

Inihain ni Lapid ang Senate Bill No. 1232 o ang Free Housing Through Usurfruct Act of 2022.

Paliwanag ng senador, sa kanyang panukala, bubuo ng Usufruct Housing Program, kung saan libreng magagamit ng mga benipesaryo ang bahay at lupa ngunit mananatili itong pag-aari ng gobyerno.

Aniya, ito ay para maiwasan ang dekada ng problema na pagbebenta ng housing units ng mga benepisyaryo, na taliwas sa mga programang-pabahay para magkaroon ng sariling bahay ang bawat pamilyang Filipino.

“Marami na tayong mga naging government housing programs pero ang mga pabahay na ito ay kadalasang tumatakbo sa ilalim ng prinsipyo ng pagbebenta ng mga pabahay sa mga benipesaryo sa abot-kayang presyo na babayaran nila sa paglipas ng panahon,” aniya.

Pagpupunto pa ng senador, maraming pabahay ng gobyerno ang hindi pa rin abot-kaya ng mga benepisyaryo.

Sa kanyang panukala, ang mga tunay na walang pag-aari na bahay ang maaring maging benepisaryo ng kanyang isinusulong na programa.

TAGS: government housing, InquirerNews, Lito Lapid, RadyoInquirerNews, Senate, government housing, InquirerNews, Lito Lapid, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.