Sen. Poe, nais maimbestigahan ng Senado ang serye ng kidnapping

By Jan Escosio September 12, 2022 - 11:06 AM

Senate PRIB photo

Maghahain ng resolusyon si Senator Grace Poe sa hangarin na maimbestigahan sa Senado ang dumadaming kaso ng pagdukot sa Metro Manila at Luzon.

“An abduction case is one too many. We cannot allow this situation to threaten our people’s safety and trample on our efforts to help them get through the difficult times.

Nais ni Poe na pangunahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Sen. Ronald dela Rosa ang pag-iimbestiga.

Nabanggit ng senadora ang pahayag ni Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (PCCCII) President Lugene Ang na sa nakalipas na 10 araw, 56 insidente ng kidnapping ang nangyari.

Ani Ang, ginagahasa ng mga kidnapper ang mga babae, bukod sa tinatakot at tino-torture ang kanilang mga biktima bago ipapadala ang videos sa mga kaanak kasabay nang paghingi ng ransom.

Iniulat ng PNP Anti-Kidnapping Group na tumaas ng 25 porsiyento ang pagdukot sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) workers.

Nais din ni Poe na malaman ang katotohanan na marami sa mga kaso ng pagdukot ay kagagawan ng mga banyaga.

TAGS: grace poe, InquirerNews, Kidnapping, RadyoInquirerNews, Senate, grace poe, InquirerNews, Kidnapping, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.