Bagyong #IndayPH lalo pang humina; Maaring lumabas ng bansa mamayang gabi
Lalo pang humina ang Bagyong Inday habang papalapit sa Ishigaki Island ng Southern Japan.
Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 465 kilometers North Northeast ng Itbayat, Batanes bandang 10:00, Lunes ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Hilaga.
Sa ngayon, hindi na direktang magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa bansa.
“On the track forecast, Typhoon INDAY will move slowly northward, either pass close or make landfall in the vicinity of Yaeyama Islands this morning,” saad ng weather bureau.
Sinabi pa ng PAGASA na maari nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.