Filipino-American na madre, itinalagang global leader ng Anti-human trafficking network

Nanungkulan na ang Filipino-American na madre na si Sister Aurea “Abby”Avelino  bilang pinuno ng Talitha Kum, isang worldwide network ng religious nuns na lumalaban sa human trafficking.

Ayon sa ulat ng CBCP News, magsisilbing international coordinator ng Talitha Kum si Avelino.

Si Avelino ay kasapi ng Maryknoll Sisters of Saint Dominic.

Pinalitan ni Avelino si Comboni Missionary Sister Gabriella Bottani na nagsilbi sa puwesto simula noong 2014.

Ipinanganak si Avelino sa Tanauan, Batangas at mag-migrate sa Amerika kasama ang pamilya.

Nagsilbing mechanical at systems engineer si Abelino ng anim na taon bago tuluyang nag-madre.

 

Read more...