Rollback sa presyo ng produktong petrol, nakaamba
By Chona Yu September 10, 2022 - 02:01 PM
Magpapatupad ng panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa Martes ng susunod na linggo.
Nasa P0.64 ang maaring mabawas sa presyo ng gasolina kada litro.
Sa presyo ng diesel, maaring P1.52 ang ibaba kada litro habang ang kerosene ay maaring mabawasan ng P1.93 kada litro.
Una nang tumaas ang presyo saa produktong petrolyo dahil sa gulo sa Ukraine at Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.