Inday naging bagyo na

By Chona Yu September 10, 2022 - 12:20 PM

Ganap nang naging bagyo ang Severe Tropical Storm Muifa o Inday.

Base sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, namataan si Inday sa 430 kilometers east ng Basco, Batanes.

Taglay ni Inday ang hangin na 120 kilometro kada oras at pagbugso na 150 kilometro kada oras.

Inaasahang magdadala ito ng ulan sa buong bansa.

Makararanas ng malakas na pag-ulan ang Southern Luzon at western portion ng Central Luzon dahil sa trough ng bagyo.

Sinabi pa ng Pagasa na maaring paakasin pa ni Inday ang southwest monsoon o ang habagat.

 

TAGS: Bagyo, inday, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyo, inday, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.