Technological innovations, malaking tulong sa pandemya

By Chona Yu September 09, 2022 - 04:02 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

 

Hindi dapat na magpahuli ang Pilipinas sa technological innovations sa mundo.

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Unionbank Innovation Campus sa San Pedro, Laguna, sinabi nito na kung mayroong mang magandang naidulot ang pandemya sa COVID-19, ito ay dahil sa pag-usbong mga bagong teknolohiya o digitalization.

“The trend was very pronounced before the pandemic and it was accelerated by the need because of the pandemic and now many people have discovered that it is an actual viable way to do business,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na malaki ang naging tulong ng technological innovations sa pakikipag transaksyon sa pribado man o pampublikong sektor at sa mga Negosyo.

Dapat aniyang samantalahin ang pagiging high level na ng industriya ng pagbabangko at information and communications technology.

Dagdag ng Pangulo,magiging pabaya aniya ang pamahalaan kung hindi kikilalanin  ang trend ngayon na nangyayari sa buong mundo.

Una nang isinusulong ng Pangulo ang digitalization sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa katunayan ay mayroon na itong naunang direktiba na simulan na ng mga ahensiya ng pamahalaan ang digital transformation sa kani kanilang mga nasasakupan.

“We in government have gone a step further than that, not only it is a viable way of doing business. It is the only way that we will be doing business in the years to come and therefore we cannot allow the Philippines to be left behind,” dagdag ng Pangulo.

Target din ng Pangulo nag awing 50 percent na ang retail transaction volume at makamit naman ang 70% ng Filipino adults sa formal financial system pagsapit ng 2023.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, technology, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, technology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.