Sen. Mark Villar nais maimbestigahan ang mataas na presyo at kulang na suplay ng mga bilihin
Naghain ng resolusyon si Senator Mark Villar para maimbestigahan sa Senado ang pagtaas ng presyo at kakulangan sa suplay ng ilang bilihin.
Ipinaliwanag ni Villars a kanyang resolusyon na dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin mas lubhang nahirapan ang mga mahihirap sa bansa.
Nangangamba ang senador na magdudulot ito ng pagkagutom sa masa na labis nang naghirap dahil sa pandemya.
“Ako ay naghain ng resolution dahil sa mga ulat na nakarating sa atin na may posibilidad na magkukulang ang supply ng canned goods tulad ng sardinas resulta ng price increase sa tin plates, kamatis at iba pang raw ingredients,” ani Villar.
Pinuna na rin nito ang anunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na agahan na ang pagbili ng mga konsyumer ng kanilang ‘Noche Buena goods’ para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga ito.
Pagdidiin pa ni Villar napakahalaga na stable ang presyo ng mga bilihin sa usapin naman ng seguridad sa pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.