Bebot nagtagumpay sa pangalawang tangka na magpakamatay

Agad namatay ang isang 28-anyos na babae nang tumalon ito mula sa rooftop ng isang condominium building sa Makati City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Florymae Villa, residente ng Unit 1023 Cityland Tower sa Barangay Pio del Pilar.

Base sa CCTV footages, lumabas ng kanyang unit si Villa ala-5:19 ng madaling araw, gumamit ng elevator hanggang 12th floor bago gumamit ng hagdan patungo sa rooftop.

Kasunod nito, narinig na lang ng guwardiyang si Diosdado Luste ang malakas na kalabog.

Nabanggit naman ni Haiyang Li, ang live-in partner ni Villa na una na itong nagtangkang tumalon sa bintana ng Unit 1910 sa Oriental Place, na pag-aari naman ng kanilang kaibigan kagabi.

Read more...