Nakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa Facebook post ng Pangulo, sinabi nito na ipinakita ni Queen Elizabeth sa buong mundo ang tunay na dignidad ng isang lider ng monarkiya, commitment, debosyon sa kanyang mamamayan.
“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” pahayag ng Pangulo.
“The world has lost a true figure of majesty in what she demonstrated throughout her life and throughout her reign as Queen,” dagdag ng Pangulo.
Isa si Pangulong Marcos sa mga nanirahan sa England.
Ayon sa Pangulo, marami sa mga nanirahan at nagtrahabo sa England ang napamahal na kaay Queen Elizabeth.
Pumanaw kaninang umaga si Queen Elizabeth sa edad na 96.