Queen Elizabeth II, pumanaw na sa edad na 96

By Angellic Jordan September 09, 2022 - 02:14 AM

Pumanaw na si Queen Elizabeth II sa Balmoral sa edad na 96.

Inanunsiyo ng Buckingham Palace ang pagpanaw ni Queen Elizabeth.

Inihayag naman ni King Charles III ang matinding kalungkutan ng Royal Family sa pagpanaw ng kaniyang ina.

“We mourn profoundly the passing of a cherished Sovereign and a much-loved Mother,” saad nito.

Dagdag ni King Charles, “I know her loss will be deeply felt throughout the country, the Realms, and the Commonwealth, and by countless people around the world.”

Nakakaramdam aniya ng paggaan ng kanilang loob ang ibinibigay na pakikiramay para iparating ng respeto at pagmamahal kay Queen Elizabeth.

Samantala, nagsimula nang bumuhos ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Buckingham Palace bilang pakikisimpatya sa pagpanaw ni Queen Elizabeth.

TAGS: Buckingham Palace, InquirerNews, King Charles III, queen elizabeth, queen elizabeth II, RadyoInquirerNews, Buckingham Palace, InquirerNews, King Charles III, queen elizabeth, queen elizabeth II, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]