P936-M halaga ng asukal, nadiskubre sa mga bodega sa Bulacan
Pinuntahan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang bodega sa Meycauayan, Bulacan, kung saan nadiskubre ang halos P1 bilyong halaga ng asukal.
Sa isang bodega sa Polyland Industrial Subdivision, nadiskubre ang 11,717 sako ng lokal na asukal na may iba’t ibang brand at 50,182 sako naman ng asukal na mula sa Thailand.
Sa Edison Lee Compound ay nakita naman ang 60,876 sako ng Thailand sugar.
Sa Muralia Industrial Park, 62,734 sako ng lokal na asukal ang nakita, samantalang sa Sterling Industrial Park ay nadiskubre ang 1,860 sako ng asukal mula sa Thailand.
Sa pagtataya, aabot sa P936 milyon ang halaga ng mga asukal.
Binigyan ng BOC ng 15 araw ang may-ari ng mga bodega na magsumite ng mga dokumento na magpapatunay na hindi ipinuslit ang mga asukal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.