Aabot sa $14.36 bilyong halaga ng investment ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa state visits sa Indonesia at Singapore.
Kabilang na ang pagnenegosyo sa sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing, at agrikultura.
10 letters of intent at 12 memoranda of understanding ang nalagdaan sa investors sa Indonesia at Singapore.
Sa Indonesia, napagtibay nina Marcos at Indonesian President Joko Widodo Anh bilateral ties sa usapin ng defense, security, maritime cooperation, at trade and investment at people-to-people ties.
Sa Singapore naman, nalagdaan ang usapin sa counterterrorism, personal data protection, digital cooperation, water resource management, at investment.