Sen. Koko Pimentel, kinuwestiyon ang pagkasa ng GSIS ng Portability Law

Photo credit: Sen. Koko Pimentel/Facebook

Naghain ng resolusyon si Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel na kumukuwestiyon sa sinasabi niyang maanomalya at maling pagkasa ng Government Service Insurance System (GSIS) ng RA 7699 o ang Portability Law.

Nangangamba si Pimentel na dahil sa maling ginagawa ng GSIS, napapagkaitan ng dapat na benepisyo ang libu-libong retirees.

Sinabi nito na inihain niya ang Resolution No. 122 para mamagitan ang Senado at maitama ang maling interpretasyon ng GSIS sa batas.

Paliwanag niya, ang RA 7699 ay idinisenyo para mapag-isa at magtuloy-tuloy ang mga naging kontribusyon ng mga mula sa pribadong sektor na lumipat sa gobyerno at ang mga naunang naglingkod sa gobyerno na napunta naman sa pribadong sektor.

Ito naman, dagdag pa ni Pimentel, ay para sa pensyon matapos magretiro, disability o survivorship.

Pagpupunto pa ng senador dapat ay malinaw at tama ang pagpapatupad ng ‘totalization’ o ang bilang ng naging kontribusyon sa GSIS at Social Security System (SSS) ng kawani.

“There is a need to inquire into the basis of this arbitrary interpretation by the GSIS and whether the law as presently worded is sufficient in expressing its original spirit or intent,” pagdidiin ni Pimentel.

Read more...