Duterte, nangakong ibubunyag ang mga pang-aabuso sa Simbahan

DuterteHindi na naman nakaligtas ang Simbahang Katolika sa mga banat ni President-elect Rodrigo Duterte, at may kaugnayan na naman ito sa aniya’y pagiging ipokritong institusyon nito.

Kasunod ng kaniyang banat, sinabi niya na sa loob ng anim na taon niyang termino, isisiwalat niya lahat ng mga katiwalian, anomalya, pang-aabuso at ka-ipokritohan ng mga pari at taong Simbahan.

Bukod sa mga patutsada ni Duterte sa mga tiwaling kagawad ng media, binanggit rin niya ang mga aniya’y katiwalian sa Simbahan, tulad ng mga obispong binibigyan ng mamahaling sasakyan ng mga state lottery.

Mayroon naman aniyang mga pari na minomolestya ang mga seminarista o ang mga batang nangungumpisal.

Giit ni Duterte, hindi niya kailangan ang Simbahang Katoliko para tumagal siya sa kaniyang posisyon bilang pangulo.

Dagdag pa niya, kaya niyang isaalang-alang ang kaniyang posisyon, buhay at karangalan sa pagsisiwalat ng ka-ipokritohan ng Simbahan.

Una nang ibinunyag ni Duterte na minsan na siyang nakaranas ng pangmo-molestya ng isang pari habang nangungumpisal noong siya ay nag-aaral pa sa Ateneo de Davao.

Read more...