Taiwan sinuspinde ang visa-free visit ng mga Filipino, 11 pang bansa

By Jan Escosio September 08, 2022 - 10:50 AM
Reuters photo

Pansamantalang sinuspinde ng Taiwan ang visa-free entry ng mga Filipino at mamamayan ng 11 pang bansa.

Base sa post sa website ng Bureau of Consular Affairs ng Taiwan, sinuspinde rin nila ang nabanggit na pribilehiyo sa mga mamamayan ng Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei at Russia.

Hindi malinaw ang dahilan ng naging hakbang ng Taiwan.

Sa abiso ang mga Filipino at mamamaya ng Brunei, Russia at Thailand ay makakapasok sa Taiwan kailangan lang ay may patunay ng kanilang hotel booking, host’s contact information at sapat na pera.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, Taiwan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]