Umapela sa mga mambabatas ang Department of Health (DOH) na maibalik ang tinapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo para sa mga benepisyo ng health workers, cancer assistance at disease surveillance.
Ginawa ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang pag-apela sa pagharap nila sa House Committee on Health.
Ibinahagi ni Vergeire na hindi inaprubahan ng DBM ang hinihingi nilang P76 bilyon para sa mga benepisyo at allowances ng health workers hanggang sa katapusan ng 2023.
Sa National Expenditure Program, P37 bilyon lamang ang inilaan sa public health emergency allowances ng healthcare at non-healthcare workers kasa na a ng P18.96 bilyong unprogrammed funds.
Sinabi ni Health Usec. Kenneth Ronquillo na ang ibinigay ng DBM ay para lang sa pagseserbisyo ng 805,863 health at non-healthcare woerkers para sa kalahati ng 2023.
Dagdag pa nito, kailangan pa nila ng karagdagang P65 bilyon para bayaran ang pagkaka-utang sa mga benepisyo ng healthcare workers noong 2021 at 2022.