Justin Bieber, hindi na tatapusin ang ‘Justice World Tour’ para magpahinga

By Angellic Jordan September 07, 2022 - 03:22 PM

Sinuspinde na ang nalalabing petsa para sa ‘Justice World Tour’ ng Canadian singer na si Justin Bieber.

Sa Instagram, ipinaliwanag ng singer na nakaramdam siya ng matinding pagod kasunod ng patuloy na pakikipaglaban sa sakit na Ramsay-Hunt syndrome.

Nauna nang ibinahagi ni Bieber ang pagkakaroon niya ng naturang sakit kung saan naging paralisado ang bahagi ng kaniyang mukha.

Matapos magpahinga at kumonsulta sa kaniyang mga doktor, pamilya, at grupo, nagtungo aniya siya sa Europa para ipagpatuloy ang concert tour.

“I performed six live shows, but it took a real toll on me,” saad nito sa IG post.

Dagdag nito, “After getting off stage, the exhaustion overtook me and I realized that I need to make my health the priority right now. So I’m going to take a break from touring for the time being.:

Tiniyak naman ng singer sa kaniyang mga tagahanga na magiging maayos din ang kaniyang lagay.

“I’ve been so proud to bring this show and our message of Justice to the world,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Bieber sa mga panalangin at suporta ng kaniyang mga tagahanga.

TAGS: InquirerNews, Justice World Tour, justin bieber, RadyoInquirerNews, Ramsay-Hunt syndrome, InquirerNews, Justice World Tour, justin bieber, RadyoInquirerNews, Ramsay-Hunt syndrome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]