Ayon kay Gatchalian makikinabang din ang mga komyuter dahil mapipigilan ang pagtaas ng pasahe.
Binanggit ng senador na ikinukunsidera ng Land Transportation Office (LTO) na pagbigyan ang petisyon para sa panibagong dagdag-pasahe ngayon buwan dahil sa mataas na halaga ng krudo.
Aniya may mga katulad na petisyon din ang mga grupo ng bus operators, UV express at transport network vehicle service (TNVS).
Sa inihain niyang Senate Bill No. 384, nais ni Gatchalian na mapagtibay ang Pantawid Pasada Program ng gobyerno na nagbibigay ng subsidiya sa mga produktong-petrolyo na kailangan ng operators at drivers.
Katuwiran ni Gatchalian hindi dapat hayaan na maapektuhan ang dahan-dahan na pagsigla ng ekonomiya ng mataas na halaga ng langis.
Pagdidiin nito masyado nang matagal na naghihirap ang mamamayan dahil sa pandemya.