Energy subsidy program para sa public transport sector hiniling ni Gatchalian

By Jan Escosio September 07, 2022 - 12:55 PM

Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng energy subsidy program para magkaroon ng proteksyon ang public transport sector sa pagtaas ng halaga ng langis.

Ayon kay Gatchalian makikinabang din ang mga komyuter dahil mapipigilan ang pagtaas ng pasahe.

Binanggit ng senador na ikinukunsidera ng Land Transportation Office (LTO) na pagbigyan ang petisyon para sa panibagong dagdag-pasahe ngayon buwan dahil sa mataas na halaga ng krudo.

Aniya may mga katulad na petisyon din ang mga grupo ng bus operators, UV express at transport network vehicle service (TNVS).

Sa inihain niyang Senate Bill No. 384, nais ni Gatchalian na mapagtibay ang Pantawid Pasada Program ng gobyerno na nagbibigay ng subsidiya sa mga produktong-petrolyo na kailangan ng operators at drivers.

Katuwiran ni Gatchalian hindi dapat hayaan na maapektuhan ang dahan-dahan na pagsigla ng ekonomiya ng mataas na halaga ng langis.

Pagdidiin nito masyado nang matagal na naghihirap ang mamamayan dahil sa pandemya.

TAGS: fare hike, pantawid pasada, PUVs, fare hike, pantawid pasada, PUVs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.