Ngayon suspindido ang pagpapatupad ng ‘no contact apprehension policy,’ sinasamantala ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakataon para ma-plantsa ang programa.
Ayon kay LTO Deputy Dir. Roberto Valera patuloy ang pakikipagpulong ng kanilang technical working group (TWG) sa mga kinatawan naman ng local government units (LGUs) para sa sistematiko na pagpapatupad ng programa.
Nabanggit din ng tagapagsalita ng LTO Law Enforcement Department sa Kapihan sa Manila Bay news forum ang pagkunsidera sa magkakatulad na multa sa mga traffic violations.
Natalakay din sa mga pulong ang isyu sa rehistro ng mga sasakyan.
Sinabi pa ni Valera na dahil sa NCAP nabago ang pag-uugali ng mga driver sa mga lansangan.
Aniya marami na ang sumunod sa mga batas-trapiko dahil batid nila ang pagpapatupad ng NCAP.
Pansamantalang suspindido ang NCAP batay sa kautusan ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.