Comelec Chairman George Erwin Garcia lusot sa CA

Nakalusot na sa Commission on Appointments (CA) na si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.

Tumagal ng mahigit isang oras ang pagtatanong ng ilang miyembro ng CA kay Garcia

Isang Leonor Barcelon – Whale naman ang nagtangka na harangin ang nominasyon ni Garcia bunga sa isyu sa isang condominium unit na sinasabing inupahan at ibinenta ng opisyal.

Ipinangako naman ng opisyal na pagsusumikapan niyang mahigitan pa ang maayos na pagsasagawa ng eleksyon noong Mayo.

Binanggit din nito ang plano na magpatupad ng mga reporma para sa maayos na pagkasa ng mga susunod eleksyon, gayundin ang ‘transparency’ sa mga aktibidad ng Comelec.

Sinabi din nito na paiigtingin niya ang ‘professionalism’ sa kanilang mga opisyal at kawani.

Read more...