Singapore naghahanap ng Filipino health workers – DMW

By Jan Escosio September 07, 2022 - 12:09 PM

PTV PHOTO

Inanunsiyo ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na naghahanap ang Singapore ng karagdagang health workers mula sa Pilipinas.

Ayon pa kay Ople ang pangangailangan ng Singapore ay nabanggit mismo ng kanilang mga opisyal sa pagbisita ni Pangulong Marcos Jr.

Nabanggit pa nito na pipirma ang gobyerno ng Pilipinas sa Ministry of Health ng Singapore sa isang joint communiqué para gawing pormal ang kanilang intensyon na kumuha ng mga Filipino health workers.

Nangako naman ang Singapore, sabi pa ng kalihim, na pangangalagaan ang kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Kabilang ang Singapore sa mga itinakdang unang state visits ni Pangulong Marcos Jr., at ito ay galing na sa Indonesia.

TAGS: health workers, OFWs, singapore, state visit, health workers, OFWs, singapore, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.