‘Personal text scams’ posibleng nag-ugat sa contact tracing – ex-NTC official
Posibleng nakuha ng scammers ang personal na detalye ng mga nakakatanggap ng ‘text scams’ mula sa contact tracing form na kabilang sa protocols sa kasagsagan ng lockdown bunga ng COVID 19 crisis.
Ito ang ibinahagi ni dating National Telecommunications Commission Deputy Comm. Edgar Cabarrios at aniya posible na nakuha din ang mga detalye sa mga kompaniya na nanghihingi ng ‘personal details.’
“Iyong contact tracing, iyong mga malls noon meron kang fibi-fillupang maliliit na papel na contact tracing – these are all possib;e sources. Iyong mga bangko nagre-require din ‘yan, mga kompanya na kailangan ng information na ‘yan,” dagdag pa ni Cabarrios.
Nabanggit pa nito na nag-iimbestiga na ang National Privacy Commission (NPC) sa kasalukuyang pagbaha ng ‘text scams’ dahil sa isyu ng ‘data privacy.’
Sinabi pa nito na kabilang sa iniimbestigahan ay ang social media accounts, partikular na sa messenger ng Facebook, Viber at WhatsApp.
Diin ni Cabarrion makakabuti na may maparusahan para magsilbing babala sa mga scammers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.