4 na airstrikes, isinagawa ng US laban sa al-Qaida sa Yemen

mukalla-yemenKinumpirma ng U.S. military na nagsagawa sila ng apat na counterterrorism strikes sa Yemen sa loob ng nagdaang mga buwan laban sa mga militanteng al-Qaida.

May kabuuang 15 miyembro ng al-Qaida ang napatay ng US military sa nasabing apat na strikes sa Arabian Peninsula na hindi nila inanunsyo noon.

Kung susumahin, siyam na ang isinagawang strikes ng US laban sa al-Qaida sa taong ito.

Mas pinapaigting na ng Pentagon ang kanilang military support sa mga operasyong laban sa al-Qaida sa Yemen, kabilang na ang intelligence, pagpapadala ng mga barko at special operations forces.

Tinutulungan na rin ng mga American special operations forces ang mga Yemeni, Emirati at Arab coalition forces.

Read more...