Grupo nagbabala ng P3-P4 per kilo pagtaas sa presyo ng bigas

Sa susunod na buwan ay posibleng tumaas ang halaga ng bigas sa bansa.

Ito ang babala ni Bantay Bigas spokesman Cathy Estavillo at aniya ito ay dahil sa mababang ani na bunga naman ng mabagal na pagpapalabas ng ayuda sa mga magsasaka.

Sa ngayon, ayon pa kay Estavillo, tumaas na ng P1 hanggang P2 ang presyo ng kada kilo ng bigas at posible na tumaas pa ito ng P3 hanggang P4 sa susunod buwan.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi pa ni Estavillo na maari pa itong maiwasan kung kikilos na ang gobyerno, partikular na ang mabilis na pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa mga magsasaka.

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit P8 bilyon sa Department of Agriculture (DA) para sa cash subsidy sa mga magsasaka.

Kalakip nito ang P3 billion para sa Rice Farmers’ Financial Assistance Program.

Ngunit sinabi ni Estavillo na hindi pa nakakarating ang tulong sa mga magsasaka.

Read more...